Ang impulsive ko talaga. Kanina lang, mga 3pm, habang nasa trabaho ako at kakatapos lamang makatanggap ng mejo madami-daming tawag mula sa aking Agent, naisipan kong mag enrol sa Unibersidad. Naisip ko kasi na sayang din ang tumatakbong oras, wala naman akong gagawin, di rin naman ako makakagala kasi wala akong kasama. Kaso, mejo may kamahalaan ang tuition, AUD1,100. Wala akong pera ngayon at wala na akong trabaho sa Lunes pero napagisip isip ko, kakayanin ko pa naman mabuhay at mag aral, nga lang di ko muna mababayaran ang Daddy ko...
Ang enrolment ay nagsimula na noong Enero pa, pero ayon sa aking kaibigan, di daw mag sasara hanggat di nagsisimula ang klase. Tumawag ako sa Sydney Uni at nagtanong kung pede pa ako mag enrol. Ayun, sabi sa akin, pwede pa daw.
Pag uwi ko ng bahay, nag log agad ako sa internet at nag enrol.
Estudyante na ulit ako.
Im poorer by AUD1,100 pero lam ko mababawi ko din eto balang araw. Eto ang paraan para masabi ko ka aking resume na "studying towards CPA" na ako.
Simula ang aral sa a-Otso ng Marso --- sa isang linggo na pala yun. =)
Sa kabilang banda, dami na naman offers sa akin para sa panibagong trabaho, kaso parang ayaw ko muna, pahinga muna ako ng isang linggo. Pero kung yung trabaho ay nasa City, tatanggapin ko na kasi mas malapit sa akin yun pag punta ko ng skul...
Yun lang. :-)
No comments:
Post a Comment