Friday, February 26, 2010

Three years and counting

January 12, 2007

sa dami ng pinagkakaabalahan ko nung buwan ng Enero, nakaligtaan ko ang aking ikatlong taong anibersaryo dito sa bansang Ostrelya.

ang bilis ng araw, tatlong taon na pala ang nakaraan:
... nang ako ay binigyan ng 'bayong' ng Qantas para ilagay ang 7kilos excess baggage dahil pinagkasya ko sa isang bag ang halos 40K ko na gamit;
... nang sumakay ako ng Qantas mag-isa. Buti na lang ako ay nasa 'aisle seat' at di nahirapan pag nag w-weewee;
... nang nagmarunong ako nung pumunta ako sa Martin Place Station... sabi ni Van baba daw sa Town Hall para mag change ng platform papuntang Martin Place, pero sa Wynyard ako bumaba, ayan tuloy, nahirapan akong mag bitbit ng bag ko para sumakay ng tren pabalik;
...nung tumambay ako buong araw sa Pitt St na naka jacket (summer time eto ha?) habang nanonood ng street performers at nagpapalipas oras para sunduin ng mga taong noon ko pa lamang makikilala.

Tatlong taon na ang nakalipas pero ang dami ng nangyari.

Noon, mangilan ngilan lang ang kilala ko dito pero ngayon, parang buong baranggay na!
Noon, payat pa ako, ngayon malusog na. =)
Noon, single pa ako, ngayon may asawa na.
Noon, nag re-rent pa ako, ngayon nagbabayad na ng amortization.
Noon, excited ako gamitin ang aking mga stilleto na shoes, ngayon, nasa loob na lang sya ng box, di na nagamit ever.


Pero meron din naman mga bagay na gaya pa din ng dati:
Noon, di pa ako marunong mag drive.... hanggang ngayon ganun pa din.
Noon, nag t-train ako papuntang office... hanggang ngayon ganun pa din.
Noon, di ako kumakain ng lamb... hanggang ngayon di pa din.
At hanggang nayon di pa din ako nakaligo sa Australian beach!


Oo, tatlong taon na ako dito sa Sydney. Nakapunta na din ako sa Melbourne (ulit), Brisbane, Canberra at Gold Coast.
Ang laki laki ng Australia, ang dami ko pang gustong puntahan --- Perth, Darwin, Cairns, Ayers Rock, Adelaide at Tasmania.
Ang lawak lawak din ng NSW, madami pang mga lugar ang nais kong bisitahin. Pero hindi ko mamadaliin, i have my whole life to explore the rest of NSW (if not the rest of Australia).


Thank you po Lord, talagang ang galing galing ng plano Mo para sa akin. Alam ko po na the best is yet to come. =)



2 comments:

Pam said...

happy anniversary, gracy!! parang kailan lang nasalubong kita sa lobby ng rcbc, last day mo nun sa shell :))

the best is yet to come! keep the fork!

Ckayen said...

Cheers to the best 3 years and counting!!!