Friday, August 04, 2006

..firsts...

First time kong…

…manood sa Globe Platinum sa Gateway (hindi yata sulit for me kasi konti lang nakain kong popcorn nun eh);
…kumuha ng magandang picture ni Oble (after spending 5 years sa UP, ni hindi ko man lang nakuhang magpapicture dun);
…pumunta sa Bohol (maganda pala dun, kaso parang bitin ako. Di kasi ako nakasama sa snorkelling nila kasi di ako makahinga nga maayos dun sa gear na napunta sa akin);
…kumain sa chocolate kiss, yung sa first floor (nakakain na rin ako dun sa 2nd floor, twice na din with my friends, pero sa first floor, minsan lang);
…manood ng concert ni Regine at Ogie (at nagmadali umuwi kasi may nakita akong di ko dapat makita,hahahaha);
…pumunta sa Jaime Velasquez park, mag stay dun ng matagal (as in hanggang madaling araw yata);
…mag Bay Walk na aabutin ng umaga (5 am, hehehe);
…mag simba sa Alimall (hehe ulit);


pag tinignan mo ulit ang listahan ko sa taas, baka sabihin mo na hindi naman out of this world ang mga entries ko, pero pagbigyan mo na ako, may rason ako kung bakit ko nilagay ko ang mga yan jan. Wala na lang pakialaman. ;-)

Baka nga may nakalimutan pa akong isulat eh, sa susunod na lang. :-)

No comments: