Wednesday, September 09, 2009

Hanap Bahay

hirap maghanap ng bahay!!!

simple lang naman gusto ko --- mura, may train, 3 rooms, may konting backyard...

pero bakit wala? meron ngang malapit sa train, pero di kagandahan. meron maganda, pero malayo. meron maganda, malapit, 3 rooms pero ang mahal naman.

haayyy.

ilang sabado naba kami nag h-house viewing? ay, ang tanong pala dapat ay ilang buwan na ba kaming nag h-house viewing? Gusto ko na sumigaw "I want my Saturdays back!!!".

sabi nila, ganyan daw talaga. tyaga. pasensya. at dasal. madaming madaming dasal.

pero kahit na wala pa din kaming nahahanap, kahit na minsan gusto ko na mag give-up, sige pa din, hanap pa din ng hanap. malay mo, isang araw, pag gising mo, yung matagal mo nang hinahanap, andyan na, ibibigay na ni Lord sayo.

Mabait si Lord. Alam nya kelan ang tamang panahon na magkabahay kayo. Di bale nang bumaba ang First HOme Owners Grant sa Sept 30. May December 30 pa naman. May next year. Malay mo, bumaba din ang presyo ng mga bahay. At yung minimithi mong mura, malapit sa tren, tatlong kwarto at may konting back yard ay abot kamay mo na. :-)

Sana lang, wag akong makatagpo ng swapang na Property Agent.

Sana, sana, sana.

No comments: